Group 2 Discovery
Lunes, Setyembre 24, 2012
SCRIPT
BuHighSkul
Mga Tauhan:
·
Angela-isang mag-aaral; tagapagsalaysay; sa
kanyang POV maisasalaysay ang
kuwento
|
·
Paolo-isang bully
|
·
Kiana- ang top
1 ng klase
|
·
Manuel-isang working
student
|
·
Sofia- ang pangalawa sa klase
|
·
Kenneth-ang kasintahan ni Kara
|
·
Margaret-ang ikatlo sa klase
|
·
Patrick-ang DOTA
boy
|
·
Benjie- ang laging napag-iinitan nila Harmonica at
Paolo
|
·
Mara-ang laging nahuhuli sa klase
|
·
Harmonica- isang bully
|
·
Kara-ang kasintahan ni Kenneth
|
·
Pamela-ang
nanay ni Neil
|
·
Neil-isang rebeldeng anak at estudyante
|
·
Bb. Salbino-ang kanilang tagapayo
|
·
Sarai- kapatid ni Neil
|
Panahon:
Kasalukuyan
Tagpuan:
Sa
paaralan ng Baguio City National High School
Prologo
Angela: Kaming mga kabataan ngayon—(naglalakad
si Angela at titigil)
Matandang Babae #1: Mga salot sa lipunan…
pabigat… mga basag-ulo… hindi marunong gumalang sa nakatatanda… walang
pasasalamat sa magulang… walang ibang alam maliban sa paglalakwatsa at
pagsasayang ng pera.
Angela: Iyan ang mga kadalasang
naririnig ko sa mga matatandang nakakasalamuha ko sa araw-araw na bumabangon
ako at pumapasok sa paaralan. Masakit itong marinig dahil isa ako sa
milyun-milyong kabataan sa kasalukuyan. (magpapatuloy sa paglakad at sasakay ng
dyip)
Angela: Ako si Angela. Isang mag-aaral sa
sekundarya na nasa ikatlong taon. Ito ang paaralan ko… ang pangalawang tahanan
namin. Dito kami nag-aaral, kumakain at natutulog. Sa bawat araw na pumamapasok
ako sa paaralan ay maraming klase ng tao ang aking nakakasalamuha. Kaming mga
estudyante ay mukhang mga happy-go-lucky.
Madami kaming mga kalokohan, totoo ‘yan. Marami kaming masasayang alaala,
ngunit marami din kaming pinagdaraanang pagsubok at problema.
Angela: Si Kiana… ang napakasipag na top
one ng buong batch. Kung makikita niyo naman ay talagang tutok na tutok siya sa
kanyang binabasa. Sa sobrang sipag niya sa pag-aaral ay wala na atang
makakatalo pa sa kanya. Hindi nga namin malaman kung ano ang sikreto niya at
tila isang kompyuter ang kanyang utak na may lalagyan ng madaming impormasyon.
Angela: Sila Sofia at Margaret naman ang
matalik na magkaibigan. Lagi silang nagtutulungan. Halimbawa, sa tuwing may mga
pagsusulit, nagbibigayan sila ng mga sagot. O ha? Hindi ba’t napakagaling? Kaya
naman ay mataas ang ranggo nila sa klase. Ngunit kung tutuusin ay madami namang
mas magaling at mas karapat-dapat na maging top
2 at top 3 ng klase.
Angela: Ang weird at loner ng buong
batch. Laging nabibiktima ng Ultimate Duo…
si Benjie. Tahimik lamang siya sa klase. Sa magta-tatlong taon na naming
pagiging magkaklase, napansin kong pinipili niyang ilayo ang kanyang sarili sa
mga tao. Mas pinipili niyang mapag-isa kaysa makipagkaibigan. Kaya naman ay
walang nakakaintindi sa kanya. Matututunan niya kayang ipaglaban ang kanyang
sarili? Matatanggap pa kaya siya ng aming klase kahit na siya ay kakaiba?
Angela: Si Harmonica at Paolo naman ang Ultimate Duo sa pambu-bully. Napakamapanglait at walang
sinasanto kahit sinuman. Lahat ng kapintasan sa isang tao ay hindi nila
pinapalagpas. Pati nga ang mga guro namin ay nilalait nila eh. Akala mo naman
kung sino silang perpekto. May makapagpapabago pa kaya sa kanila?
Angela: ‘Yan naman sila Kenneth at Kara.
Sila ang nangungunang love team sa
aming klase. Wala na lamang ibang magawa ang mga kaklase namin kung hindi ang
mainggit sa kanilang ka-sweet-an.
Tila wala ng makakabuwag sa kanilang relasyon. Ni hindi nga sila nag-aaway o
nagse-selosan eh. Ngunit magtatagal pa kaya ang kanilang relasyon?
Angela: Si Patrick ang DOTA Boy ng aming klase. Wala siyang
ibang ginawa kung hindi ang yayain ang mga kasama na mag-DOTA. Tuwing uwian, siya ang nangunguna sa paglabas ng klasrum. Kapag
Sabado, siya ang laging wala. Kailangan pa naming siyang sunduin sa computer shop at pilitin na unahin ang
pag-aaral kaysa paglalaro. Subalit, magagawa pa kaya niyang magbago para
mapangalagaan ang kanyang mga grado? O ang kanyang pagkahilig sa DOTA ang magiging dahilan ng kanyang
pagkabagsak?
Angela: ‘Yan naman si Manuel. Dahil nga
ang paaralan ang aming pangalawang tahanan, pinanindigan na niya ito kung
kaya’t dito na siya natutulog. Si Manuel ay salat sa buhay. Dahil sa kamalasan
niyang ito ay napipilitan siyang magtrabaho para sa kanyang pamilya. Ngunit sa
kabila ng lahat ng ito, nagagawa pa rin ni Manuel na makakuha ng matataas na
marka. Kaya naman ang lahat, pati na ang aming mga guro, ay bilib na bilib sa
kanya. Makakayanan kaya niyang pagsabayin ang lahat ng kanyang responsibilidad?
Angela: Ang kabaliktaran ng early bird at bihasang-bihasa sa
pagpapalusot… si Mara. Kahit pa ang kanyang mga palusot ay hindi na
makatotohanan, tuloy pa rin siya sa pagdadahilan upang hindi mabawasan ang
kanyang puntos. Mayroon kasing bawas sa puntos kapag huli ang pagpasok sa klase
o kaya ay lumiban. Masipag, mabait at magaling naman si Mara eh.
Angela: Ang mga patakaran ng paaralan,
hindi niya sinusunod. Kaya naman ay laging ipinapatawag ang kanyang mga
magulang. Galing si Neil mula sa isang broken
family. Marahil ay hindi niya kinaya ang epekto sa kanya ng paghihiwalay ng
kanyang mga magulang. Kaya ganyan si Neil ngayon... isang rebelde.
Scene 1
Mga mag-aaral: (sabay-sabay)Magandang
umaga po, Binibinig Salbino. Mabuhay!
Bb. Salbino: Magandang umaga rin. Maaari
na kayong umupo. Ilabas niyo ang takdang ibinagay ko sa inyo at ipasa sa harap.
Patrick: (ibubulong kay Manuel) Lagot!
Hindi ko na naman nagawa. Nakalimutan ko eh. May iba kasi akong ginawa.
Manuel: Hay nako, Patrick. Naglaro ka na
naman, ano? Alam mo, hindi mo na kailangang sabihin dahil inaasahan naman ‘yan
eh. Kailangan mo nang magbago.
Patrick: Ito naman. Imbes na bigyan mo ako ng simpatya bilang isang kaibigan,
pinangaralan mo pa ako. (haharap sa
katabi) Paolo, pahingi nga ng papel. Gagawin ko lang iyong takda.
Paolo: (sisigaw) Ma’am, ang ingay-ingay
po ni Patrick! Hindi ko na po tuloy marinig ang sinasabi niyo.
Bb. Salbino: Patrick, kung ayaw mong
makinig sa akin, maaari ka namang lumabas nang sa ganoon ay hindi ka
makaistorbo sa iyong mga kaklase. Kung mananatili ko naman, tumahimik ka na
lamang.
Patrick: Opo. (titingnan ng masama si
Paolo) Bakit mo ginawa iyon?
Paolo: Wala lang. Nakakatawa kasi eh.
Hahaha!
(pagkalaan ng 10 minuto, papasok ng
silid si Mara)
Bb. Salbino: O, Mara. Huli ka na naman
sa klase.
Mara: Ah… Eh… Ma’am, kasi po, wala pong dyip sa amin tapos trapik
pa po. At saka, inaayos po kasi iyong kalsada papunta sa amin. Tapos--
Bb. Salbino: O siya, sige. Maaari ka ng
umupo.
(pagkatapos ng diskusyon)
Bb. Salbino: Wala na ba kayong
katanungan? Kung gayon ay maglabas kayo ng isang buong papel at sagutan ang mga
isusulat ko sa pisara. Bawal ang mag-team
work kaya takpan ang inyong mga sagot. Maaari niyo lamang itong sagutan sa
loob ng dalawampung minuto.
Margaret: (pabulong) Sofia, alam mo na, ha?
Sofia: (pabulong) Oo naman. Ako pa.
Basta ‘wag mong tatakpan para makita ko.
(pagkatapos ng 20 minuto)
Bb. Salbino: Tapos na ang ibinigay kong
oras kaya tapos man o hindi, makipagpalitan ng papel sa katabi.
(pagkatapos ng pag-tsek ng mga papel)
Bb. Salbino: Sino ang nakakuha ng perfect?
(magtataas ng kamay sila Kiana, Margaret
at Sofia)
Bb. Salbino: Magaling. Ipasa na ang mga
papel. (palabas ng silid) Paalam.
Mga mag-aaral: (sabay-sabay) Paalam at
salamat po, Binibining Salbino! God bless.
Scene 2
Mara: Angela, tara, bili tayo.
Angela: Sige. Nagugutom na din ako.
Hindi kasi ako nakakain kaninang umaga kakamadali.
(sa labas ng silid)
Kenneth: Ano pa lang sabi ng doktor?
Kara: Magaling naman na daw ako. May
ilang gamot siyang inireseta sa akin pagkatapos ay pinayagan na niya akong umalis.
Kenneth: Dalawang araw ka kayang hindi
pumasok. Siguradong madami kang kailangang habulin at tapusin.
Kara: Oo nga eh. Kung bakit kasi
nagkasakit pa ako. Nakakainis naman.
Kenneth: Hindi na bale. Kaya mo ‘yan!
Ikaw pa. Tutulungan na lang kita para hindi ka mahirapan, okay?
Kara: Yiieee. Salamat naman.
Harmonica: Ew. ‘Yan na naman kayo! Nagpo-“ponchingan” na naman kayo. So
kadiri.
Patrick: Oo nga eh. Talaga nga namang “Love is in the corridor.”
Manuel: At talaga nga namang madaming
nakikisawsaw sa usapan ng iba. Tara na nga.
Scene 3
Paolo: Neil, nasaan nga pala ang tatay
mo?
Neil: (pasigaw) Tumahimik ka nga! Wala
kang pakialam sa buhay ko.
Paolo: (pasigaw) Huwag mo nga akong
sigawan! Hindi ako bingi!
Neil: (hihilahain ang damit ni Paolo)
Huwag mo akong ginaganyan ah!
Kenneth: Tama na ‘yan. Baka magkasakitan
pa kayo. Mabuti pa’t bitiwan mo na siya, Neil. Magpalamig ka na lamang ng ulo.
Neil: Ulitin mo pang painitin ang ulo ko
at hindi lang ‘yan ang aabutin mo sa
akin. Naintindihan mo ba? (bibitiwan si Paolo at aalis)
Kenneth: Hindi mo na lang sana binanggit
ang tungkol sa tatay niya.
Paolo: Wala kang pakialam sa buhay ko.
At mas lalo namang wala kang karapatang sabihin sa akin kung ano ang mga dapat
at hindi ko dapat gawin.
Mara: Wow! Nakakahiya naman sa iyo,
Paolo. Ikaw na nga iyong tinulungan nung
tao, magagalit ka pa sa kanya. Hindi ka na lang
nagpasalamat.
Paolo: Isa ka pa. Pakialamera.
Basta-basta na lang sumasabat sa usapan ng iba. Makaalis na nga dito.
Nakakainis kasi lahat ng mga tao.
Mara: (pabulong sa sarili) At least,
tao. Hindi katulad mo na asal hayop.
Bb. Salbino: Anong nangyari dito?
Kenneth: Ah, wala po, ma’am.
Bb. Salbino: Neil, wala ka na naman sa
tamang uniporme. Wala ka pang ID. Ano
ba naman yan? Hindi ka na nadala. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?
Masipag, matapat at masunurin. Isang modelong estudyanbte si Sarai samantalang
ikaw ay kabaligtaran niya.
Neil: (pabulong sa sarili) Sarai na
naman. Eh, ‘di siya na.
Scene 4
Sofia: Nakita mo na ba iyong listahan ng
mgaproyekto at iba pang kailangang ipasa?
Margaret: Ha? Hindi pa eh. Nasaan ba?
Sofia: Halika. Ipapakita ko sa iyo.
(maglalakad) ‘Yan o!
Margaret: Naku! Bakit ang dami naman?
Iba pa ang mga takdang aralin. Iba pa ang mga pagsusulit. Napakahirap naman.
Sofia: Kaya nga eh. Paano na tayo niyan?
Patrick: Kung kayo ay nag-aalala, mas
lalo naman ako. Hindi ko alam kung magagawa ko iyang mga ‘yan. Napakarami naman
kasi at parang kailangang gumastos. Mawawalan na nga ako ng oras na makapaglaro, mauubusan
pa ako ng pera.
Neil: Eh tumigil ka na sana sa
paglalaro, magagawa mo lahat ng iyan bago pa ang deadline. Ang problema, alam kong hindi mo magagawa.
Patrick: Wow, pare. Nagsalita ang
masipag!
Neil: Bakit? Masipag naman ako ah… kung
ikukumpara sa iyo. Kasi ako, nakakagawa ng mga proyekto mga isang araw bago
ipasa. Eh, ikaw? Hindi na nagpapasa kasi wala ka namang nagagawa.
Kenneth: Mahiya naman kayo sa mga
pinagsasasabi ninyo. Nandito si Manuel o! Siya na yata ang “Pambansang Working Student”! Paborito na nga siya
ng boss nila sa trabaho, paborito pa siya ng guro natin dahil
napaka-responsible niya. Matataas pa ang mga marka niya. Oha!
Manuel: Magsitigil na nga kayong tatlo.
Walang mapapala ang puro salita lang. Siguro ay dapat na nating umpisahan ang
mga proyektong ‘yan mamaya para mabilis nating matapos.
Patrick: Siguro, kayong mga nasa top ten lang ang mag-uumpisang gumawa ng
mga ‘yan. Magagaling kayo eh.
(magtatawanan ang barkada)
Scene 5
Benjie: (kausap ang alagang insekto)
Kamusta ka na? Ayos ka lang ba? Ako kasi, hindi eh. Napagtripan na naman kasi
ako nila Harmonica at Paolo. Ako na naman ang nakita nila. Sinabi---
Harmonica: Hoy, ikaw! Anong ginagawa mo
dyan? Kinakausap mo na naman ‘yang alaga mong insekto. Napaka-isip bata mo
naman! Kahit kailan talaga, napaka-weird
mo. Kaya pala no friends ka eh.
Hahaha! Saang planeta ka ba galing? Baka sa Pluto? Hahaha!
Benjie: Hindi naman planeta ang Pluto
ah. Isa itong---
Harmonica: Che! Tumahimik ka. Tinatanong
ko ba?
Paolo: May gana ka pang mag-lecture sa amin. Ano ka, guro? Hahaha!
Kung sabagay, kamukha mo naman iyong guro natin noon! ‘Di ba?
Harmonica: Hahaha! Oo nga, ‘no? Ngayon
ko lang napansin. Hahaha! Siguro, ikaw ‘yong matagal na niyang nawawalang
kapatid.
(magtatawanan sila Harmonica at Paolo)
Bb. Salbino: Harmonica, Paolo at Benjie,
anong ginagawa ninyo diyan? Bumalik na kayo sa klasrum dahil malapit ng mag-time.
Harmonica, Paolo at Benjie: (sabay) Opo,
ma’am.
Paolo: Wooh. Akala ko, narinig tayo ni
ma’am kanina. Muntik na ‘yun ah.
Harmonica: Kaya nga eh. Buti na lang
talaga.
Scene 6
Patrick: Uwian na! Tara, DOTA tayo!
Kara: Patrick, sandali lang. Sandali!
Patrick: Ano ba ‘yun? Bilisan mo kasi
may… appointment pa ako.
Kara: May pa-appo-appointment ka pang nalalaman, alam ko naman kung saan ka pupunta.
May praktis pala tayo bukas sa Sunshine Park. Dapat nandoon na ng alas dyis ng
umaga. Kailangan mong pumunta doon kasi may parte ka.
Patrick: Oo na. Sige, sige. (aalis)
Kara: (tatalikod) Mara! (lalapitan si
Mara) May praktisnga pala tayo bukas sa Sunshine Park. Dapat ay naroon ka na ng
alas nuebe ng umaga, ha?
Mara: Alas nuebe? Ang aga naman.
Kara: Eh, ganun talaga. Basta pumunta
ka.
Mara: Sige na nga. (aalis)
Kiana: Kara, bakit ibang oras ang sinabi
mo kay Mara.
Kara: Para hindi siya mahuli. Hehe.
Kilala mo naman siya.
Kiana: Ahh. Haha. Oo nga pala.
Kara: Ay! Hihingi pala sana ako ng
tulong sa iyo. Madami kasi akong maintindihan sa Physics. Puwede mo ba akong
turuan bukas?
Kiana: Ah. Yun lang ba? Sige.
Kara: Salamat. Ha?
Kiana: Walang anuman.
Kenneth: Kara, tara na. Malapit nang
mag-alas sais. Kailangan na nating umalis.
Kara: Opo. Nandyan na po.
Scene 7
Harmonica: Ano ba naman yan! 10:30 na
pero wala na naman si Patrick. Naunahan pa siya ni Mara.
Sofia: Kaya nga eh. Siguradong nasa computer shop na naman ‘yun. Sino bang
naka-iskedyul na magsundo sa kanya ngayon?
Kiana: Sandali. Nakatala sa notebook ko ‘yung iskedyul eh. (kukunin ang kuwaderno
sa bag) Si Kenneth na.
Kenneth: Sige. Pupuntahan ko na siya.
(pagkalipas ng 10 minuto, sa kompyuter shop)
Kenneth: Patrick, halika na! Hinihintay
ka na ng lahat doon!
Patrick: Sandali lang, tol. Five minutes na lang. Nagppra-praktis kasi ako para sa DOTA competition bukas.
Kenneth: Ah, bukas na ba iyon? Sali ako!
Patrick: Sige, sige. Basta pagkatapos ng
praktis natin mamaya, balik tayo dito. Kailangan nating manalo.
(pagkalipas ng 20 minuto, sa Sunshine
Park)
Kara: Mabuti naman at dumating na kayo.
Harmonica: Sinayang mo ang oras naming
ha!
Patrick: Sorry ah! Sorry!
(sa loob ng dalawang oras matatapos ang
praktis)
Sofia: Huwag niyong kakalimutan yung mga
kailangan niyong dalhin sa Lunes ah. Lahat ng props at costume ninyo.
(paalis na lahat)
Kara: Huwag mong kalilimutan ung labas
natin bukas ha?
Kenneth: Ha? Ah. Oo naman. Anniversary
natin eh.
Kara: Hahaha! Biruin mo. Tatagal tayo ng
ganito? Dati, parang imposible.
Patrick: Kenneth at Neil, tara na!
Kenneth: Ah, sige. May pupuntahan pa
kami. Bye. Ingat ka.
Kara: Sige. Mag-iingat kayo.
Scene 8
Patrick: Mga tol, galingan natin ah.
Malaki ang premyo dito! Dapat walang mga distraksyon kaya patayin natin lahat
ng mga cellphones natin. Tara!
(samantala…)
Kara: Nasaan na ba siya? Hindi naman yun
nale-late ah.
(pagkalipas ng isang oras)
Babae sa telepono: Sorry, but the number you dialed is currently not available. Please try
your call later.
Kara: (naiiyak) Kenneth, bakit wala ka
pa?
(pagkalipas ulit ng isang oras)
Patrick: Sayang! Hindi tayo nanalo.
Hindi bale, may susunod pa naman eh.
Neil: Oo nga. Tara. Gala tayo. Ayoko
pang umuwi eh.
Patrick: Sige.
Kenneth: Lagot! Magkikita pala kami
ngayon ni Kara! Nakalimutan ko.
Neil at Patrick: Lagot ka, tol.
Kenneth: Sige. Mauna na ako. (patakbo)
Scene 9
Pamela: Bakit ngayon ka lang?
Gabing-gabi na ah. At saka may pasok ka pa bukas. Kanina pa tulog yung kapatid
mo.
Neil: Wala kang pakialam.
Pamela: Bakit ba ganyan ka sa akin, anak? Tignan mo nga yang kambal mo, ang sipag-sipag
niya sa pag-aaral. Bakit hindi mo siya gayahin para naman tumaas ang iyong mga
marka dahil malapit ka ng bumagsak.
Neil: Kung hindi mo sana pinalayas si
papa, hindi sana ako magkakaganito ngayon! Hindi sana nagkanda-leche-leche ang
buhay ko! At isa pa, wala akong pakialam sa babaeng iyan, parehong pareho talaga kayo.
Pamela: Hanggang ngayon ba naman, anak,
hindi mo pa rin ako napapatawad? Apat na taon na, Neil. Napatawad na ako ng
kapatid mo dahil naintindihan niya ako. Ano pa bang gusto mong gawin ko?
Sarai: Oo nga naman, “kuya”. Si papa naman ang may kasalanan kung bakit
siya pinalayas ni mama eh, nag-uwi pa nga siya ng babae dito noong minsan na
wala si mama.
Neil: Kahit na! Wala pa ring karapatang
palayasin ni mama ang papa!
Neil: Matutulog na ako.
**padabog na umalis
Scene 10
Kenneth: Kara… Kara, pansinin mo naman
ako. Kara, sorry.
Kara: Sorry? Sorry?! Sa tingin
mo, maaayos ng isang simpleng “sorry”
ang lahat? Kenneth, pinaghintay mo ako ng halos dalawang oras. Ni wala ka man
lang text o tawag. Madali lang naman sabihin na, “Kara, mae-late
ako kasi nag-DOTA ako. Pero darating ako.” Ang dali-dali lang nun!
Ngayon, anong magagawa ng sorry mo?
Wala!
Paolo: Hahahaha! ‘Yan kasi!
Kenneth: Tol, anong gagawin ko?
Patrick: Aba’y ewan ko sayo. Diskartehan
mo na ‘yan.
(tunog ng bell)
Bb. Salbino: Magandang umaga. Maupo na
kayo. Gusto ko lang ipaalala sa inyo na malapit na naman ang katapusan ng
markahan. Kailangan niyong magpasa ng mga proyekto at requirements.
(pagkalipas ng 10 minuto, papasok si
Mara)
Bb. Salbino: Mara, ano na naman ang
dahilan mo ngayon?
Mara: Ma’am… ah… lumindol po kasi eh
kaya---
Bb. Salbino: Lumindol?
Mara: Ma’am,, ung katabi ko po kasi,
isang dambuhala. Nung naglakad,, halos matumba na ako sa kinatatayuan ko---
Bb. Salbino: Maupo ka na nga lang.
Scene 11
Angela: Hi, Benjie.
Benjie: Ahh… Hi din.
Angela: Bakit ba lumalayo ka sa mga tao?
Benjie: Um… Eh, kasi… Ayokong
napapalapit ang loob ko kahit kanino.
Angela: Bakit?
Benjie: Kasi ayokong masaktan kapag
dumating ang panahon na aalis din sila sa buhay ko. OFW’s kasi ang mga magulang
ko. Kaya, lagi silang wala. Ayoko ng ganun.
Angela: Ahh. Eh, bakit mo hinahayaang
awayin ka nila Harmonica at Paolo?
Benjie: Wala naman akong magagawa eh.
Angela: Alam mo, puwede ka namang magsumbong
eh. Wala din lang mawawala sa’yo. (aalis)
Harmonica: Benjie! Bakit ba ang pangit
mo?
Benjie: Ano bang ginawa ko sa inyo at
lagi niyo akong inaaway?
Paolo: Wala naman. Nakakainis lang kasi
kapag nakikita namin yang mukha mo eh.
Scene 12
Bb.
Salbino: Nais kong kausapin sila Margaret at Sofia ngayon sa teacher’s lounge.
(sa teacher’s lounge)
Bb.
Salbino: Nahuli ko ang ginagawa niyo sa aking asignatura kapag may ibinibigay
akong pagsusulit. Hindi lang ako ang nakapansin nito dahil pati ang iba ninyong
guro ay nagsumbong na rin sa akin. Alam niyo ba kung anong ginagawa niyo?
Sofia at Margaret: Opo, ma’am.
Bb. Salbino: Ngayon, ipapatawag namin
ang mga magulang ninyo. Hindi ko kayo bibigyan ng parusang suspension, ngunit kapag naulit pa ito, asahan niyo ang magiging
kapalit. Maliwanag ba?
Sofia at Margaret: Opo.
Bb. Salbino: Maaari na kayong bumalik sa
klasrum. Pakisabi kanila Harmonica at Paolo na puntahan ako dito.
(pagkalipas ng 3 minuto)
Bb. Salbino: Nagsumbong sa akin si
Benjie tungkol sa pang-aabuso niyo sa kanya. Hindi niyo na kailangang
magpaliwanag pa dahil naitanong ko na ito sa iba niyong mga kaklase. Ngayon ay
nais ko kayong humingi ng paumanhin kay Benjie. Ipangako niyo rin sa akin na
hindi niyo na muling gagambalahin si Benjie.
Harmonica at Paolo: Pangako po.
Bb. Salbino: Makakaalis na kayo.
Scene 13
Manuel: O, Patrick, bakit nandito ka pa?
Uwian na ah. Hindi ba dapat ay nagdo-DOTA ka na sa gantong oras?
Patrick: Hindi na ngayon, tol. Ang
daming kailangang gawin eh. Susundan ko muna ang mga yapak mo. Hahaha.
Manuel: Tama ‘yan, Patrick. Proud na proud ako sayo! (pabulong) Pero, teka, napansin mo ba si Neil
ngayon? Mukhang tahimik kasi siya at may malalim na iniisip.
Patrick: Sa tingin ko, may kinalaman na
naman iyon sa nanay niya.
Neil: Tama ka.
Patrick: (nagulat) Neil! Nadyan ka pa
pala! Akala ko, nakauwi ka na.
Neil: Tol, pinag-isipan ko ung sinabi ng
nanay ko kagabi. Sa tingin ko ay wala naman talaga siyang kasalanan. Wala lang
talaga akong ibang masisi kaya siya ang napagbalingan ko. Mapapatawad kaya niya
ako?
Manuel: Alam mo, tol? Dapat lang na
humingi ka ng tawad. Siguradong matagal na iyang hinihintay ng nanay mo.
Scene 14
Mara: Good morning!
Angela: Ang aga mo ngayon ah?
Mara: Oo naman. Ako pa! Nagbago na ako.
Angela: Mabuti ‘yan. Para naman may points ka pa sa attendance.
(tunog ng bell)
Bb. Salbino: Magandang umaga. O, Mara.
Maaga ka na ngayon! Binabati kita!
(palakpakan)
Mara: Salamat po, ma’am!
Scene 15
(nagrereview sina
Sofia at Margaret)
Margaret: Magmula ngayon, hindi na ako
mangongopya kasi natatakot ako nab aka malaman ng aking mga magulang ang
ginagawa ko dito sa skul tapos baka paglipatin ako sa ibang paaralan.
Sofia: Mas maganda pala ang pakiramdam
kung lahat ng sagot mo ay pinaghirapan mo. Sige, tuloy na natin ang
pagrereview.
(lalapit si Kiana)
Kiana: Maaari bang makisama sa
pagrereview?
(magtitinginan sina Marga at Sofia)
Sofia: Siyempre naman. Pasensya nga pala
sa lahat ng mga pandaraya naming para lamang matapatan ka.
Margaret: Oo nga. Sadyang mga insekyora lang
talaga kami. Hehe.
Kiana: Naku, ayos lang iyon. Magagaling
at matatalino naman kayong dalawa eh. Kaya niyo pa rin namang manatili sa top ten kahit na hindi kayo nandaraya
eh. Kaya ninyo ‘yan!
Sofia at Margaret: Salamat!
Scene 16
(madadapa si Benjie)
Paolo: (iaabot ang kamay) Halika,
tulungan na kita.
Benjie: (may halong pagdududa, ngunit
iaabot ang kamay) Sa-salamat.
Paolo: Gusto ko nga pa lang humingi ng
paumanhin sa pang-iinsulto ka sa’yo. Patawad kasi lagi kitang inaaway at nilalait---
Benjie: At sinasaktan... kinukuhanan ng
pagkain… pinagtatawanan---
Paolo: Hehe. Oo. Halos lahat na yata ng
masasamang bagay, nagawa ko na sa iyo. Kaya sana mapatawad mo ako. Sana ay
maging magkaibigan tayo. Pupuwede ba iyon? (iaabot ang kamay)
Benjie: (tatanggapin ang kamay ni Paolo)
Oo naman! Game na game ako dyan!
Harmonica: Oy, oy, oy, oy! Ano yan?
Paolo, nakikipagbati ka na ba sa kanya?
Paolo: Ah, oo, Harmonica. Napagtanto ko
na hindi naman ta laga dapat na sinasaktan si Benjie eh. Wala naman siyang
ginagawang masama sa atin. Hindi ka ba hihingi ng tawad?
Harmonica: Ew. Ayoko nga. Hinding-hindi ko gagawin yun, ‘no?... Joke! Kaya nga
ako naparito, Benjie, ay upang humingi ng tawad sa iyo. Hindi ko na iisa-isahin
ang mga kasalanan ko kasi aabutin tayo ng isang limang taon dito. Ano, ayos na
ba tayo?
Benjie: Oo naman! Tatanggihan ko ba ang
biyaya ng isang kaibigan? Syempre, hindi.
Scene 17
Sarai: (sa telepono) Hello, kuya? Kuya? Kuya, nasa ospital si
nanay. Bilisan mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kuya.
(sa kabilang linya)
Neil: Ha?! Sige, papunta na ako.
Maghintay ka lang.
(sa ospital)
Neil: Ano na? Anong sabi ng doktor?
Sarai: Kuya, nasa emergency room pa siya. Hindi pa lumalabas ang dcktor.
(lalabas ang doctor)
Doktor: Kaanu-ano niyo po si Pamela
Concepcion?
Neil: Kami mo po ang mga anak niya.
Kamusta na ho siya, dok? Ano pong sakit niya? Bakit ba siya itinakbo dito?
Doktor: May sakit ang nanay ninyo.
Mayroon siyang kanser sa kanyang bone
marrow. Hindi ko masasabi kung hanggang kalian na lamang siya mabubuhay.
Kailangan pa namin siyang obserbahan ng maayos para matukoy ang mga maaaring
gamut para sa kanya.
Neil: Hindi ito maaari. Bakit sa kanya
pa?
Doktor: At kung sakali namang makahanap
kami ng kaagapan sa kanyang sakit, tiyak na malaking halaga ang kailangan
niyong gastusin.
Neil: Opo. Sige po. Maraming salamat po.
Sarai: Kuya, paano na si nanay?
\Neil: Hindi ko alam… Hindi ko alam.
Doktor: Maaari niyo na pala siyang
dalawin sa kanyang silid. Basta’t huwag niyo siyang masyadong papagurin. Mahina
pa ang kanyang katawan.
Neil: Sige po, dok.
(sa silid ni Pamela)
Sarai: ‘Nay, kamusta na po kayo? Kamusta
po ang pakiramdam ninyo?
Neil: Inay… inay, patawad po. Patawad dahil pinaabot ko pa ang lahat sa
ganito bago ako humingi ng tawad. Patawad po dahil hindi ko kayo
nirespeto. Patawad po dahil nagging
masamang anak ako sa iyo.
Pamela: (maiiyak at tatango) P-patawad.
S-salamat.
Scene 18
Kenneth: Tol, tulungan niyo nga ako.
Gusto kong magkaayos na kami ni Kara.
Patrick: Isama natin siya sa DOTA. Hehehe. Joke lang.
Manuel: Alam ko na!
(magbubulungan ang tatlo)
(Kinabukasan…)
(Naglalakad si Kara kasama si Angela at
may biglang lalabas si Kenneth kasama
ang kanyang tropa at kakantahan si Kara)
(magsisidatingan ang mga tao)
(pagkatapos ng kanta)
Kenneth: Sorry na, Kara. Sana mapatawad
mo na ako. Hinding-hindi na talaga iyon mauuulit. Hinding-hindi na kita iiwan.
Kara: (tataas ang isang kilay) Ano ito?
Sa tingin mo, makukuha mo ako sa
pagkanta-kanta? Sa tingin mo, maloloko mo pa ulit ako?
Kenneth: Ahh…
Manuel: Ano bay an, Kara. Patawarin mo
na kasi siya. Nagpakahirap siya na maghanda para dito.
Angela: (sisikuin si Kara) Sige na kasi.
Pakipot ka pa.
Madla: Ayieeeeee! Sige na kasi, Kara!
Patawarin mo na siya!
(iaabot ni Patrick ang bulaklak kay
Kenneth na iaabot naman niya kay Kara)
Kara: (mangiyak-ngiyak) Sige na nga.
Tutal, mahal na mahal pa rin naman kita eh.
Scene 19
(Araw ng card-giving)
(magkikita ang lahat sa loob ng klasrum)
Bb. Salbino: Ikinagagalak kong ipakilala
sa inyo ang top five ng klaseng ito.
Sa ikalimang pwesto, si Patrick Guinto. Sa ikaapat naman si Sofia Tagudar,
ikatlo si Margaret Columna. Sa pangalawa ay si Manuel Rodillas. At ang nasa
unang pwesto ay si Kiana Villaera. Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan.
(palakpakan)
Bb. Salbino: Ikinagagalak at buong
pagmamalaki ko ring sabihin na lahat kayo ay pumasa sa ikaapat na taon. Sana ay
makamit ninyo ang mga pangarap ninyo. Huwag niyong kalilimutan ang mga aral na
inyong napulot sa bawat pagsubok at tagumpay na inyong nagpagdaanan. Binabati
ko kayo. Good luck!
WAKAS
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)