Pages

Lunes, Setyembre 24, 2012

SCRIPT


BuHighSkul

Mga Tauhan:
·         Angela-isang mag-aaral; tagapagsalaysay; sa kanyang POV maisasalaysay ang kuwento
·         Paolo-isang bully
·         Kiana- ang top 1 ng klase
·         Manuel-isang working student
·         Sofia- ang pangalawa sa klase
·         Kenneth-ang kasintahan ni Kara
·         Margaret-ang ikatlo sa klase
·         Patrick-ang DOTA boy
·         Benjie- ang laging napag-iinitan nila Harmonica at Paolo
·         Mara-ang laging nahuhuli sa klase
·         Harmonica- isang bully
·         Kara-ang kasintahan ni Kenneth
·         Pamela-ang nanay ni Neil
·         Neil-isang rebeldeng anak at estudyante
·         Bb. Salbino-ang kanilang tagapayo
·         Sarai- kapatid ni Neil

Panahon: Kasalukuyan
Tagpuan: Sa paaralan ng Baguio City National High School

Prologo
Angela: Kaming mga kabataan ngayon—(naglalakad si Angela at titigil)
Matandang Babae #1: Mga salot sa lipunan… pabigat… mga basag-ulo… hindi marunong gumalang sa nakatatanda… walang pasasalamat sa magulang… walang ibang alam maliban sa paglalakwatsa at pagsasayang ng pera.
Angela: Iyan ang mga kadalasang naririnig ko sa mga matatandang nakakasalamuha ko sa araw-araw na bumabangon ako at pumapasok sa paaralan. Masakit itong marinig dahil isa ako sa milyun-milyong kabataan sa kasalukuyan. (magpapatuloy sa paglakad at sasakay ng dyip)
Angela: Ako si Angela. Isang mag-aaral sa sekundarya na nasa ikatlong taon. Ito ang paaralan ko… ang pangalawang tahanan namin. Dito kami nag-aaral, kumakain at natutulog. Sa bawat araw na pumamapasok ako sa paaralan ay maraming klase ng tao ang aking nakakasalamuha. Kaming mga estudyante ay mukhang mga happy-go-lucky. Madami kaming mga kalokohan, totoo ‘yan. Marami kaming masasayang alaala, ngunit marami din kaming pinagdaraanang pagsubok at  problema.
Angela: Si Kiana… ang napakasipag na top one ng buong batch. Kung makikita niyo naman ay talagang tutok na tutok siya sa kanyang binabasa. Sa sobrang sipag niya sa pag-aaral ay wala na atang makakatalo pa sa kanya. Hindi nga namin malaman kung ano ang sikreto niya at tila isang kompyuter ang kanyang utak na may lalagyan ng madaming impormasyon.
Angela: Sila Sofia at Margaret naman ang matalik na magkaibigan. Lagi silang nagtutulungan. Halimbawa, sa tuwing may mga pagsusulit, nagbibigayan sila ng mga sagot. O ha? Hindi ba’t napakagaling? Kaya naman ay mataas ang ranggo nila sa klase. Ngunit kung tutuusin ay madami namang mas magaling at mas karapat-dapat na maging top 2 at top 3 ng klase.
Angela: Ang weird at loner ng buong batch. Laging nabibiktima ng Ultimate Duo… si Benjie. Tahimik lamang siya sa klase. Sa magta-tatlong taon na naming pagiging magkaklase, napansin kong pinipili niyang ilayo ang kanyang sarili sa mga tao. Mas pinipili niyang mapag-isa kaysa makipagkaibigan. Kaya naman ay walang nakakaintindi sa kanya. Matututunan niya kayang ipaglaban ang kanyang sarili? Matatanggap pa kaya siya ng aming klase kahit na siya ay kakaiba?
Angela: Si Harmonica at Paolo naman ang Ultimate Duo sa pambu-bully. Napakamapanglait at walang sinasanto kahit sinuman. Lahat ng kapintasan sa isang tao ay hindi nila pinapalagpas. Pati nga ang mga guro namin ay nilalait nila eh. Akala mo naman kung sino silang perpekto. May makapagpapabago pa kaya sa kanila?
Angela: ‘Yan naman sila Kenneth at Kara. Sila ang nangungunang love team sa aming klase. Wala na lamang ibang magawa ang mga kaklase namin kung hindi ang mainggit sa kanilang ka-sweet-an. Tila wala ng makakabuwag sa kanilang relasyon. Ni hindi nga sila nag-aaway o nagse-selosan eh. Ngunit magtatagal pa kaya ang kanilang relasyon?
Angela: Si Patrick ang DOTA Boy ng aming klase. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang yayain ang mga kasama na mag-DOTA. Tuwing uwian, siya ang nangunguna sa paglabas ng klasrum. Kapag Sabado, siya ang laging wala. Kailangan pa naming siyang sunduin sa computer shop at pilitin na unahin ang pag-aaral kaysa paglalaro. Subalit, magagawa pa kaya niyang magbago para mapangalagaan ang kanyang mga grado? O ang kanyang pagkahilig sa DOTA ang magiging dahilan ng kanyang pagkabagsak?
Angela: ‘Yan naman si Manuel. Dahil nga ang paaralan ang aming pangalawang tahanan, pinanindigan na niya ito kung kaya’t dito na siya natutulog. Si Manuel ay salat sa buhay. Dahil sa kamalasan niyang ito ay napipilitan siyang magtrabaho para sa kanyang pamilya. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nagagawa pa rin ni Manuel na makakuha ng matataas na marka. Kaya naman ang lahat, pati na ang aming mga guro, ay bilib na bilib sa kanya. Makakayanan kaya niyang pagsabayin ang lahat ng kanyang responsibilidad?
Angela: Ang kabaliktaran ng early bird at bihasang-bihasa sa pagpapalusot… si Mara. Kahit pa ang kanyang mga palusot ay hindi na makatotohanan, tuloy pa rin siya sa pagdadahilan upang hindi mabawasan ang kanyang puntos. Mayroon kasing bawas sa puntos kapag huli ang pagpasok sa klase o kaya ay lumiban. Masipag, mabait at magaling naman si Mara eh.
Angela: Ang mga patakaran ng paaralan, hindi niya sinusunod. Kaya naman ay laging ipinapatawag ang kanyang mga magulang. Galing si Neil mula sa isang broken family. Marahil ay hindi niya kinaya ang epekto sa kanya ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Kaya ganyan si Neil ngayon... isang rebelde.
Scene 1
Mga mag-aaral: (sabay-sabay)Magandang umaga po, Binibinig Salbino. Mabuhay!
Bb. Salbino: Magandang umaga rin. Maaari na kayong umupo. Ilabas niyo ang takdang ibinagay ko sa inyo at ipasa sa harap.
Patrick: (ibubulong kay Manuel) Lagot! Hindi ko na naman nagawa. Nakalimutan ko eh. May iba kasi akong ginawa.
Manuel: Hay nako, Patrick. Naglaro ka na naman, ano? Alam mo, hindi mo na kailangang sabihin dahil inaasahan naman ‘yan eh. Kailangan mo nang magbago.
Patrick: Ito naman. Imbes na bigyan  mo ako ng simpatya bilang isang kaibigan, pinangaralan  mo pa ako. (haharap sa katabi) Paolo, pahingi nga ng papel. Gagawin ko lang iyong takda.
Paolo: (sisigaw) Ma’am, ang ingay-ingay po ni Patrick! Hindi ko na po tuloy marinig ang sinasabi niyo.
Bb. Salbino: Patrick, kung ayaw mong makinig sa akin, maaari ka namang lumabas nang sa ganoon ay hindi ka makaistorbo sa iyong mga kaklase. Kung mananatili ko naman, tumahimik ka na lamang.
Patrick: Opo. (titingnan ng masama si Paolo) Bakit mo ginawa iyon?
Paolo: Wala lang. Nakakatawa kasi eh. Hahaha!
(pagkalaan ng 10 minuto, papasok ng silid si Mara)
Bb. Salbino: O, Mara. Huli ka na naman sa klase.
Mara: Ah… Eh… Ma’am,  kasi po, wala pong dyip sa amin tapos trapik pa po. At saka, inaayos po kasi iyong kalsada papunta sa amin. Tapos--
Bb. Salbino: O siya, sige. Maaari ka ng umupo.
(pagkatapos ng diskusyon)
Bb. Salbino: Wala na ba kayong katanungan? Kung gayon ay maglabas kayo ng isang buong papel at sagutan ang mga isusulat ko sa pisara. Bawal ang mag-team work kaya takpan ang inyong mga sagot. Maaari niyo lamang itong sagutan sa loob ng dalawampung minuto.

Margaret: (pabulong) Sofia, alam  mo na, ha?
Sofia: (pabulong) Oo naman. Ako pa. Basta ‘wag mong tatakpan para makita ko.
(pagkatapos ng 20 minuto)
Bb. Salbino: Tapos na ang ibinigay kong oras kaya tapos man o hindi, makipagpalitan ng papel sa katabi.
(pagkatapos ng pag-tsek ng mga papel)
Bb. Salbino: Sino ang nakakuha ng perfect?
(magtataas ng kamay sila Kiana, Margaret at Sofia)
Bb. Salbino: Magaling. Ipasa na ang mga papel. (palabas ng silid) Paalam.
Mga mag-aaral: (sabay-sabay) Paalam at salamat po, Binibining Salbino! God bless. 
Scene 2
Mara: Angela, tara, bili tayo.
Angela: Sige. Nagugutom na din ako. Hindi kasi ako nakakain kaninang umaga kakamadali.
(sa labas ng silid)
Kenneth: Ano pa lang sabi ng doktor?
Kara: Magaling naman na daw ako. May ilang gamot siyang inireseta sa akin pagkatapos ay pinayagan  na niya akong umalis.
Kenneth: Dalawang araw ka kayang hindi pumasok. Siguradong madami kang kailangang habulin at tapusin.
Kara: Oo nga eh. Kung bakit kasi nagkasakit pa ako. Nakakainis naman.
Kenneth: Hindi na bale. Kaya mo ‘yan! Ikaw pa. Tutulungan na lang kita para hindi ka mahirapan, okay?
Kara: Yiieee. Salamat naman.
Harmonica: Ew. ‘Yan na naman kayo! Nagpo-“ponchingan” na naman kayo. So  kadiri.
Patrick: Oo nga eh. Talaga nga namang “Love is in the corridor.”
Manuel: At talaga nga namang madaming nakikisawsaw sa usapan ng iba. Tara na nga.
Scene 3
Paolo: Neil, nasaan nga pala ang tatay mo?
Neil: (pasigaw) Tumahimik ka nga! Wala kang pakialam sa buhay ko.
Paolo: (pasigaw) Huwag mo nga akong sigawan! Hindi ako bingi!
Neil: (hihilahain ang damit ni Paolo) Huwag mo akong ginaganyan ah!
Kenneth: Tama na ‘yan. Baka magkasakitan pa kayo. Mabuti pa’t bitiwan mo na siya, Neil. Magpalamig ka na lamang ng ulo.
Neil: Ulitin mo pang painitin ang ulo ko at hindi  lang ‘yan ang aabutin mo sa akin. Naintindihan mo ba? (bibitiwan si Paolo at aalis)
Kenneth: Hindi mo na lang sana binanggit ang tungkol sa tatay niya.
Paolo: Wala kang pakialam sa buhay ko. At mas lalo namang wala kang karapatang sabihin sa akin kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin.
Mara: Wow! Nakakahiya naman sa iyo, Paolo. Ikaw na nga iyong tinulungan  nung tao, magagalit ka pa sa kanya. Hindi ka na lang  nagpasalamat.
Paolo: Isa ka pa. Pakialamera. Basta-basta na lang sumasabat sa usapan ng iba. Makaalis na nga dito. Nakakainis kasi lahat ng mga tao.
Mara: (pabulong sa sarili) At least, tao. Hindi katulad mo na asal hayop. 
Bb. Salbino: Anong nangyari dito?
Kenneth: Ah, wala po, ma’am.
Bb. Salbino: Neil, wala ka na naman sa tamang uniporme. Wala ka pang ID. Ano ba naman yan? Hindi ka na nadala. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo? Masipag, matapat at masunurin. Isang modelong estudyanbte si Sarai samantalang ikaw ay kabaligtaran niya.
Neil: (pabulong sa sarili) Sarai na naman. Eh, ‘di siya na.
Scene 4
Sofia: Nakita mo na ba iyong listahan ng mgaproyekto at iba pang kailangang ipasa?
Margaret: Ha? Hindi pa eh. Nasaan ba?
Sofia: Halika. Ipapakita ko sa iyo. (maglalakad) ‘Yan o!
Margaret: Naku! Bakit ang dami naman? Iba pa ang mga takdang aralin. Iba pa ang mga pagsusulit. Napakahirap naman.
Sofia: Kaya nga eh. Paano na tayo niyan?
Patrick: Kung kayo ay nag-aalala, mas lalo naman ako. Hindi ko alam kung magagawa ko iyang mga ‘yan. Napakarami naman kasi at parang kailangang gumastos. Mawawalan  na nga ako ng oras na makapaglaro, mauubusan pa ako ng pera.
Neil: Eh tumigil ka na sana sa paglalaro, magagawa mo lahat ng iyan bago pa ang deadline. Ang problema, alam kong hindi mo magagawa.
Patrick: Wow, pare.   Nagsalita ang masipag!
Neil: Bakit? Masipag naman ako ah… kung ikukumpara sa iyo. Kasi ako, nakakagawa ng mga proyekto mga isang araw bago ipasa. Eh, ikaw? Hindi na nagpapasa kasi wala ka namang nagagawa.
Kenneth: Mahiya naman kayo sa mga pinagsasasabi ninyo. Nandito si Manuel o! Siya na yata ang “Pambansang Working Student”! Paborito na nga siya ng boss nila sa trabaho, paborito pa siya ng guro natin dahil napaka-responsible niya. Matataas pa ang mga marka niya. Oha!
Manuel: Magsitigil na nga kayong tatlo. Walang mapapala ang puro salita lang. Siguro ay dapat na nating umpisahan ang mga proyektong ‘yan mamaya para mabilis nating matapos.
Patrick: Siguro, kayong mga nasa top ten lang ang mag-uumpisang gumawa ng mga ‘yan. Magagaling kayo eh.
(magtatawanan ang barkada)
Scene 5
Benjie: (kausap ang alagang insekto) Kamusta ka na? Ayos ka lang ba? Ako kasi, hindi eh. Napagtripan na naman kasi ako nila Harmonica at Paolo. Ako na naman ang nakita nila. Sinabi---
Harmonica: Hoy, ikaw! Anong ginagawa mo dyan? Kinakausap mo na naman ‘yang alaga mong insekto. Napaka-isip bata mo naman! Kahit kailan talaga, napaka-weird mo. Kaya pala no friends ka eh. Hahaha! Saang planeta ka ba galing? Baka sa Pluto? Hahaha!
Benjie: Hindi naman planeta ang Pluto ah. Isa itong---
Harmonica: Che! Tumahimik ka. Tinatanong ko ba?
Paolo: May gana ka pang mag-lecture sa amin. Ano ka, guro? Hahaha! Kung sabagay, kamukha mo naman iyong guro natin noon! ‘Di ba?
Harmonica: Hahaha! Oo nga, ‘no? Ngayon ko lang napansin. Hahaha! Siguro, ikaw ‘yong matagal na niyang nawawalang kapatid.
(magtatawanan sila Harmonica at Paolo)
Bb. Salbino: Harmonica, Paolo at Benjie, anong ginagawa ninyo diyan? Bumalik na kayo sa klasrum dahil malapit ng mag-time.
Harmonica, Paolo at Benjie: (sabay) Opo, ma’am.
Paolo: Wooh. Akala ko, narinig tayo ni ma’am kanina. Muntik na ‘yun ah.
Harmonica: Kaya nga eh. Buti na lang talaga.
Scene 6
Patrick: Uwian na! Tara, DOTA tayo!
Kara: Patrick, sandali lang. Sandali!
Patrick: Ano ba ‘yun? Bilisan mo kasi may… appointment pa ako.
Kara: May pa-appo-appointment ka pang nalalaman, alam ko naman kung saan ka pupunta. May praktis pala tayo bukas sa Sunshine Park. Dapat nandoon na ng alas dyis ng umaga. Kailangan mong pumunta doon kasi may parte ka.
Patrick: Oo na. Sige, sige. (aalis)
Kara: (tatalikod) Mara! (lalapitan si Mara) May praktisnga pala tayo bukas sa Sunshine Park. Dapat ay naroon ka na ng alas nuebe ng umaga, ha?
Mara: Alas nuebe? Ang aga naman.
Kara: Eh, ganun talaga. Basta pumunta ka.
Mara: Sige na nga. (aalis)
Kiana: Kara, bakit ibang oras ang sinabi mo kay Mara.
Kara: Para hindi siya mahuli. Hehe. Kilala mo naman siya.
Kiana: Ahh. Haha. Oo nga pala.
Kara: Ay! Hihingi pala sana ako ng tulong sa iyo. Madami kasi akong maintindihan sa Physics. Puwede mo ba akong turuan bukas?
Kiana: Ah. Yun lang ba? Sige.
Kara: Salamat. Ha?
Kiana: Walang anuman.
Kenneth: Kara, tara na. Malapit nang mag-alas sais. Kailangan na nating umalis.
Kara: Opo. Nandyan na po.
Scene 7
Harmonica: Ano ba naman yan! 10:30 na pero wala na naman si Patrick. Naunahan pa siya ni Mara.
Sofia: Kaya nga eh. Siguradong nasa computer shop na naman ‘yun. Sino bang naka-iskedyul na magsundo sa kanya ngayon?
Kiana: Sandali. Nakatala sa notebook  ko ‘yung iskedyul eh. (kukunin ang kuwaderno sa bag) Si Kenneth na.
Kenneth: Sige. Pupuntahan ko na siya.
(pagkalipas ng 10 minuto, sa kompyuter shop)
Kenneth: Patrick, halika na! Hinihintay ka na ng lahat doon!
Patrick: Sandali lang, tol. Five minutes na lang.  Nagppra-praktis kasi ako para sa DOTA competition bukas.
Kenneth: Ah, bukas na ba iyon? Sali ako!
Patrick: Sige, sige. Basta pagkatapos ng praktis natin mamaya, balik tayo dito. Kailangan nating manalo.
(pagkalipas ng 20 minuto, sa Sunshine Park)
Kara: Mabuti naman at dumating na kayo.
Harmonica: Sinayang mo ang oras naming ha!
Patrick: Sorry ah! Sorry!
(sa loob ng dalawang oras matatapos ang praktis)
Sofia: Huwag niyong kakalimutan yung mga kailangan niyong dalhin sa Lunes ah. Lahat ng props at costume ninyo.
(paalis na lahat)
Kara: Huwag mong kalilimutan ung labas natin bukas ha?
Kenneth: Ha? Ah. Oo naman. Anniversary natin eh.
Kara: Hahaha! Biruin mo. Tatagal tayo ng ganito? Dati, parang imposible.
Patrick: Kenneth at Neil, tara na!
Kenneth: Ah, sige. May pupuntahan pa kami. Bye. Ingat ka.
Kara: Sige. Mag-iingat kayo.
Scene 8
Patrick: Mga tol, galingan natin ah. Malaki ang premyo dito! Dapat walang mga distraksyon kaya patayin natin lahat ng mga cellphones natin. Tara!
(samantala…)
Kara: Nasaan na ba siya? Hindi naman yun nale-late ah. 
(pagkalipas ng isang oras)
Babae sa telepono: Sorry, but the number you dialed is currently not available. Please try your call later.
Kara: (naiiyak) Kenneth, bakit wala ka pa?
(pagkalipas ulit ng isang oras)
Patrick: Sayang! Hindi tayo nanalo. Hindi bale, may susunod pa naman eh.
Neil: Oo nga. Tara. Gala tayo. Ayoko pang umuwi eh.
Patrick: Sige.
Kenneth: Lagot! Magkikita pala kami ngayon ni Kara! Nakalimutan ko.
Neil at Patrick: Lagot ka, tol.
Kenneth: Sige. Mauna na ako. (patakbo)
Scene 9
Pamela: Bakit ngayon ka lang? Gabing-gabi na ah. At saka may pasok ka pa bukas. Kanina pa tulog yung kapatid mo.
Neil: Wala kang pakialam.
Pamela: Bakit ba ganyan  ka sa akin, anak?  Tignan mo nga yang kambal mo, ang sipag-sipag niya sa pag-aaral. Bakit hindi mo siya gayahin para naman tumaas ang iyong mga marka dahil malapit ka ng bumagsak.
Neil: Kung hindi mo sana pinalayas si papa, hindi sana ako magkakaganito ngayon! Hindi sana nagkanda-leche-leche ang buhay ko! At isa pa, wala akong pakialam sa babaeng  iyan, parehong pareho talaga kayo.
Pamela: Hanggang ngayon ba naman, anak, hindi mo pa rin ako napapatawad? Apat na taon na, Neil. Napatawad na ako ng kapatid mo dahil naintindihan niya ako. Ano pa bang gusto mong gawin ko?
Sarai: Oo nga naman, “kuya”.  Si papa naman ang may kasalanan kung bakit siya pinalayas ni mama eh, nag-uwi pa nga siya ng babae dito noong minsan na wala si mama.
Neil: Kahit na! Wala pa ring karapatang palayasin ni mama ang papa!
Neil: Matutulog na ako.
**padabog na umalis
Scene 10
Kenneth: Kara… Kara, pansinin mo naman ako. Kara, sorry.
Kara: Sorry? Sorry?! Sa tingin mo, maaayos ng isang simpleng “sorry” ang lahat? Kenneth, pinaghintay mo ako ng halos dalawang oras. Ni wala ka man lang text o tawag. Madali lang naman sabihin na, “Kara, mae-late  ako kasi nag-DOTA ako. Pero darating ako.” Ang dali-dali lang nun! Ngayon, anong magagawa ng sorry mo? Wala!
Paolo: Hahahaha! ‘Yan kasi!
Kenneth: Tol, anong gagawin ko?
Patrick: Aba’y ewan ko sayo. Diskartehan mo na ‘yan.
(tunog ng bell)
Bb. Salbino: Magandang umaga. Maupo na kayo. Gusto ko lang ipaalala sa inyo na malapit na naman ang katapusan ng markahan. Kailangan niyong magpasa ng mga proyekto at  requirements.
(pagkalipas ng 10 minuto, papasok si Mara)
Bb. Salbino: Mara, ano na naman ang dahilan mo ngayon?
Mara: Ma’am… ah… lumindol po kasi eh kaya---
Bb. Salbino: Lumindol?
Mara: Ma’am,, ung katabi ko po kasi, isang dambuhala. Nung naglakad,, halos matumba na ako sa kinatatayuan ko---
Bb. Salbino: Maupo ka na nga lang.
Scene 11
Angela: Hi, Benjie.
Benjie: Ahh… Hi din.
Angela: Bakit ba lumalayo ka sa mga tao?
Benjie: Um… Eh, kasi… Ayokong napapalapit ang loob ko kahit kanino.
Angela: Bakit?
Benjie: Kasi ayokong masaktan kapag dumating ang panahon na aalis din sila sa buhay ko. OFW’s kasi ang mga magulang ko. Kaya, lagi silang wala. Ayoko ng ganun.
Angela: Ahh. Eh, bakit mo hinahayaang awayin ka nila Harmonica at Paolo?
Benjie: Wala naman akong magagawa eh.
Angela: Alam mo, puwede ka namang magsumbong eh. Wala din lang mawawala sa’yo. (aalis)
Harmonica: Benjie! Bakit ba ang pangit mo?
Benjie: Ano bang ginawa ko sa inyo at lagi niyo akong inaaway?
Paolo: Wala naman. Nakakainis lang kasi kapag nakikita namin yang mukha mo eh.
Scene 12
 Bb. Salbino: Nais kong kausapin sila Margaret at Sofia ngayon sa teacher’s lounge.
(sa teacher’s lounge)
 Bb. Salbino: Nahuli ko ang ginagawa niyo sa aking asignatura kapag may ibinibigay akong pagsusulit. Hindi lang ako ang nakapansin nito dahil pati ang iba ninyong guro ay nagsumbong na rin sa akin. Alam niyo ba kung anong ginagawa niyo?
Sofia at Margaret: Opo, ma’am.
Bb. Salbino: Ngayon, ipapatawag namin ang mga magulang ninyo. Hindi ko kayo bibigyan ng parusang suspension, ngunit kapag naulit pa ito, asahan niyo ang magiging kapalit. Maliwanag ba?
Sofia at Margaret: Opo.
Bb. Salbino: Maaari na kayong bumalik sa klasrum. Pakisabi kanila Harmonica at Paolo na puntahan ako dito.
(pagkalipas ng 3 minuto)
Bb. Salbino: Nagsumbong sa akin si Benjie tungkol sa pang-aabuso niyo sa kanya. Hindi niyo na kailangang magpaliwanag pa dahil naitanong ko na ito sa iba niyong mga kaklase. Ngayon ay nais ko kayong humingi ng paumanhin kay Benjie. Ipangako niyo rin sa akin na hindi niyo na muling gagambalahin si Benjie.
Harmonica at Paolo: Pangako po.
Bb. Salbino: Makakaalis na kayo.
Scene 13
Manuel: O, Patrick, bakit nandito ka pa? Uwian na ah. Hindi ba dapat ay nagdo-DOTA ka na sa gantong oras?
Patrick: Hindi na ngayon, tol. Ang daming kailangang gawin eh. Susundan ko muna ang mga yapak mo. Hahaha.
Manuel: Tama ‘yan, Patrick. Proud na proud ako sayo! (pabulong) Pero, teka, napansin mo ba si Neil ngayon? Mukhang tahimik kasi siya at may malalim na iniisip.
Patrick: Sa tingin ko, may kinalaman na naman iyon sa nanay niya.
Neil: Tama ka.
Patrick: (nagulat) Neil! Nadyan ka pa pala! Akala ko, nakauwi ka na.
Neil: Tol, pinag-isipan ko ung sinabi ng nanay ko kagabi. Sa tingin ko ay wala naman talaga siyang kasalanan. Wala lang talaga akong ibang masisi kaya siya ang napagbalingan ko. Mapapatawad kaya niya ako?
Manuel: Alam mo, tol? Dapat lang na humingi ka ng tawad. Siguradong matagal na iyang hinihintay ng nanay mo.
Scene 14
Mara: Good morning!
Angela: Ang aga mo ngayon ah?
Mara: Oo naman. Ako pa! Nagbago na ako.
Angela: Mabuti ‘yan. Para naman may points ka pa sa attendance.
(tunog ng bell)
Bb. Salbino: Magandang umaga. O, Mara. Maaga ka na ngayon! Binabati kita!
(palakpakan)
Mara: Salamat po, ma’am!
Scene 15
(nagrereview sina Sofia at Margaret)
Margaret: Magmula ngayon, hindi na ako mangongopya kasi natatakot ako nab aka malaman ng aking mga magulang ang ginagawa ko dito sa skul tapos baka paglipatin ako sa ibang paaralan.
Sofia: Mas maganda pala ang pakiramdam kung lahat ng sagot mo ay pinaghirapan mo. Sige, tuloy na natin ang pagrereview.
(lalapit si Kiana)
Kiana: Maaari bang makisama sa pagrereview?
(magtitinginan sina Marga at Sofia)
Sofia: Siyempre naman. Pasensya nga pala sa lahat ng mga pandaraya naming para lamang matapatan ka.
Margaret: Oo nga. Sadyang mga insekyora lang talaga kami. Hehe.
Kiana: Naku, ayos lang iyon. Magagaling at matatalino naman kayong dalawa eh. Kaya niyo pa rin namang manatili sa top ten kahit na hindi kayo nandaraya eh. Kaya ninyo ‘yan!
Sofia at Margaret: Salamat!
Scene 16
(madadapa si Benjie)
Paolo: (iaabot ang kamay) Halika, tulungan na kita.
Benjie: (may halong pagdududa, ngunit iaabot ang kamay) Sa-salamat.
Paolo: Gusto ko nga pa lang humingi ng paumanhin sa pang-iinsulto ka sa’yo. Patawad kasi lagi kitang inaaway  at nilalait---
Benjie: At sinasaktan... kinukuhanan ng pagkain… pinagtatawanan---
Paolo: Hehe. Oo. Halos lahat na yata ng masasamang bagay, nagawa ko na sa iyo. Kaya sana mapatawad mo ako. Sana ay maging magkaibigan tayo. Pupuwede ba iyon? (iaabot ang kamay)
Benjie: (tatanggapin ang kamay ni Paolo) Oo naman! Game na game ako dyan!
Harmonica: Oy, oy, oy, oy! Ano yan? Paolo, nakikipagbati ka na ba sa kanya?
Paolo: Ah, oo, Harmonica. Napagtanto ko na hindi naman ta laga dapat na sinasaktan si Benjie eh. Wala naman siyang ginagawang masama sa atin. Hindi ka ba hihingi ng tawad?
Harmonica: Ew. Ayoko nga. Hinding-hindi ko gagawin yun, ‘no?... Joke! Kaya nga ako naparito, Benjie, ay upang humingi ng tawad sa iyo. Hindi ko na iisa-isahin ang mga kasalanan ko kasi aabutin tayo ng isang limang taon dito. Ano, ayos na ba tayo?
Benjie: Oo naman! Tatanggihan ko ba ang biyaya ng isang kaibigan? Syempre, hindi.
Scene 17
Sarai: (sa telepono) Hello, kuya? Kuya? Kuya, nasa ospital si nanay. Bilisan mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kuya.
(sa kabilang linya)
Neil: Ha?! Sige, papunta na ako. Maghintay ka lang.
(sa ospital)
Neil: Ano na? Anong sabi ng doktor?
Sarai: Kuya, nasa emergency room pa siya. Hindi pa lumalabas ang dcktor.
(lalabas ang doctor)
Doktor: Kaanu-ano niyo po si Pamela Concepcion?
Neil: Kami mo po ang mga anak niya. Kamusta na ho siya, dok? Ano pong sakit niya? Bakit ba siya itinakbo dito?
Doktor: May sakit ang nanay ninyo. Mayroon siyang kanser sa kanyang bone marrow. Hindi ko masasabi kung hanggang kalian na lamang siya mabubuhay. Kailangan pa namin siyang obserbahan ng maayos para matukoy ang mga maaaring gamut para sa kanya.
Neil: Hindi ito maaari. Bakit sa kanya pa?
Doktor: At kung sakali namang makahanap kami ng kaagapan sa kanyang sakit, tiyak na malaking halaga ang kailangan niyong gastusin.
Neil: Opo. Sige po. Maraming salamat po.
Sarai: Kuya, paano na si nanay?
\Neil: Hindi ko alam… Hindi ko alam.
Doktor: Maaari niyo na pala siyang dalawin sa kanyang silid. Basta’t huwag niyo siyang masyadong papagurin. Mahina pa ang kanyang katawan.
Neil: Sige po, dok.
(sa silid ni Pamela)
Sarai: ‘Nay, kamusta na po kayo? Kamusta po ang pakiramdam ninyo?
Neil: Inay… inay, patawad  po. Patawad dahil pinaabot ko pa ang lahat sa ganito bago ako humingi ng tawad. Patawad po dahil hindi ko kayo nirespeto.  Patawad po dahil nagging masamang anak ako sa iyo.
Pamela: (maiiyak at tatango) P-patawad. S-salamat.  
Scene 18
Kenneth: Tol, tulungan niyo nga ako. Gusto kong magkaayos na kami ni Kara.
Patrick: Isama natin siya sa DOTA. Hehehe. Joke lang.
Manuel: Alam ko na!
(magbubulungan ang tatlo)
(Kinabukasan…)
(Naglalakad si Kara kasama si Angela at may biglang lalabas si Kenneth  kasama ang kanyang tropa at kakantahan si Kara)
(magsisidatingan ang mga tao)
(pagkatapos ng kanta)
Kenneth: Sorry na, Kara. Sana mapatawad mo na ako. Hinding-hindi na talaga iyon mauuulit. Hinding-hindi na kita iiwan.
Kara: (tataas ang isang kilay) Ano ito? Sa  tingin mo, makukuha mo ako sa pagkanta-kanta? Sa tingin mo, maloloko mo pa ulit ako?
Kenneth: Ahh…
Manuel: Ano bay an, Kara. Patawarin mo na kasi siya. Nagpakahirap siya na maghanda para dito.
Angela: (sisikuin si Kara) Sige na kasi. Pakipot ka pa.
Madla: Ayieeeeee! Sige na kasi, Kara! Patawarin mo na siya!
(iaabot ni Patrick ang bulaklak kay Kenneth na iaabot naman niya kay Kara)
Kara: (mangiyak-ngiyak) Sige na nga. Tutal, mahal na mahal pa rin naman kita eh.
Scene 19
(Araw ng card-giving)
(magkikita ang lahat sa loob ng klasrum)
Bb. Salbino: Ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang top five ng klaseng ito. Sa ikalimang pwesto, si Patrick Guinto. Sa ikaapat naman si Sofia Tagudar, ikatlo si Margaret Columna. Sa pangalawa ay si Manuel Rodillas. At ang nasa unang pwesto ay si Kiana Villaera. Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan.
(palakpakan)
Bb. Salbino: Ikinagagalak at buong pagmamalaki ko ring sabihin na lahat kayo ay pumasa sa ikaapat na taon. Sana ay makamit ninyo ang mga pangarap ninyo. Huwag niyong kalilimutan ang mga aral na inyong napulot sa bawat pagsubok at tagumpay na inyong nagpagdaanan. Binabati ko kayo. Good luck!

WAKAS

4 (na) komento:

  1. Ang gusto ko lang pong ituro sa inyo ay may nawawala atang parte sa istorya. Yung banda po sa introduction ni Neil

    TumugonBurahin
  2. Buy a Metal Fury with Titanium Metal Supply
    Metal Fury is a 윌리엄 힐 very aggressive metal game with 슬롯커뮤니티 a very high RTP. 벳365코리아 This Titanium Metal Supply is a great addition 룰렛돌리기 to the original Sega Genesis/Mega Drive.

    TumugonBurahin
  3. MELINDA MEXICO - Mapyro
    Las 부천 출장마사지 Vegas is a five-minute walk from MELINDA 사천 출장마사지 MEXICO, a five-minute walk from the Las Vegas Strip. 영천 출장안마 The cheapest way to 울산광역 출장안마 get from MELINDA MEXICO costs only $7, and the quickest way takes 안양 출장안마

    TumugonBurahin